Sunday, July 10, 2011

100 ARAW NG KOMIKS (Day 11) Mukat Issue 3

100 ARAW NG KOMIKS (Day 11) Mukat Issue 3. Gawa na ang ikatlong isyu ng Mukat Komiks ko. Tinapos kong gawin para humabol sa Unang Baguio Comics Convention sa Hulyo 16, 2011. Ang nakikita nyo sa Cover ay si General Andila ang nagtuturo kay Eric ang Prinsipe ng kaharian ng Euclidia para lumaban at gumamit ng espada. Alam nyo ba na ang mga tauhan sa Komiks kong ito ay hango sa mga pangalan ng tao sa palagid ko, tulad ni" Gen. Andila" na pangalan ng kaeskwela ko dati nung hayskul si Andy, at ang "Kaharian ng Euclidia" naman na kunuha ko pangalan ng section namin nung haykul 3rd yr section B Euclid na pangalan ng isang scientist. Marami pang pangalan sa Komiks kong ito ang kapangalan ng mga klasmeyt at kakilala ko, ang ilan ring mga salita sa komiks tulad ng "Mukat" ay salitang Pangasinan na ang ibig sabihan ay "Muta" oo yung makikita mo sa mata mo pag umaga, pagkagising, naisip ko kasi na iba ng tunog nito pag tagalog ang nagbasa, at may halong humor naman pag nabasa ng mga kababayan ko sa Pangasinan. Marami pang mga salitang pangasinan ang nilagay at sinama ko sa komiks ko. Malalaman nyo sa mga susunod na issue ng Mukat :)

No comments:

Post a Comment

Web Site Counter
typewriters