‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 2) BABOY (2008) Ang una kong Independent komiks na gawa ko dito sa Manila. Pagkatapos ng Mukat na gawa ko nung college at ako'y nakapag-trabaho na, medyo hnd na ako nakagawa ng komiks. Hanggang sa maisipan kong sumali sa taonang Komikon. Sumali ako sa Comics Creation Contest nung tayon iyun at ang tema ay "Mga Kahindik-hindik na Tagpo" (Horror themed comics). Pinalad akong manalo bilang "Best Entry" natuwa ako kaya nag-tuloy tuloy akong mag-comics.

Tungkol ang komiks na ito sa isang bata at may kinalaman din sa baboy. Nung ginagawa ko ang komiks na ito ay pinapanood ko yung anime na Death note, kaya nga ang bida ay "L" influnced. marami ding nakapansin nito. At naisipan ko din na maging itim ang komiks ko at puno ng linya kasi gusto kong mapansin na kakaiba ang gawa ko. Sa komiks na ito ako unang nakilala, kaya nga espesyal sa puso ko ang Baboy komiks ko, hanggang ngayon nakakatanggap pa rin ako ng mga positibung komento sa komiks kong ito.

Comments

Popular posts from this blog

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 20) KAGUBATAN (2004)

Lapu-lapu Reprint and Fanart