Tuesday, July 19, 2011

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 20) KAGUBATAN (2004)

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 20) KAGUBATAN (2004) Ito ang pangalawa kong entry para sa CCCom (Culture Crash Comic) 8 page comics feature. Nauna ang "Payt 4 Lab"(2003). Sayang at hinde napili ang comics ko pero oks lang, achievement pa rin sa 'kin dahil nakatapos ako ng isa ang 8 page short comics. Mabigat ang impluwensya sakin ng anime dati, hnd ako masyadong exposed sa western comics kaya siguro. Nito na lang ako nakakapag-basa madalas ng mga western comics. Kaya ito ang naging kinalabasan ng artwork. 17 yrs old pa lang ako nung panahong ginawa kong Kagubatan, tungkol ito sa istorya ng isang prinsepeng inatasang magpunta sa kagubatan para sa isang misyon, Kung gusto nyong mabasa ang kabuuan ng komiks, abangan nyo na lamang sa susunod na komikon sa Nobiyembre, kung saan balak kong ilabas ang aking mga short komiks. Sa panahong ito ay ginagawa ko ang book 3 ng mukat komiks ko, kaya mas maayos ang art kumpara sa Payt 4 lab. Nakakatuwang balikan ang mga dati kong ginawang komiks, parang andali lang lahat at hinde tulad ngayon na naghahanap ako ng oras palagi para makagawa ng komiks. Dati kasi ay, madami akong oras na makapagdrawing kahit ako'y nag-aaral pa.

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Web Site Counter
typewriters