Saturday, November 19, 2011

KOMIKON 2011

4:48 AM 11/20/2011

Nobiyembre 17. 2011 sa Bayanihan Center Pasig City ginanap ang ika-pitong Komikon(pina-ikling Komiks Konbensiyon). Suki ako ang naturang kaganapan, simula Komikon 2006 wala na akong pinalampas na Komikon. Noong una, attendee lang ako, hanggang sa Komikon 2008 naisipan kong sumali sa Komikon Comics Creation Contest. Doon ko napanalunan ang una kong award sa komiks career ko, nung manalo ang Baboy, tapos ang DogStyle at huli ang MLU (Madramang Lambingan sa Umaga) Ngayong 2011 nanominate ang Komiks ko para sa 3rd Komikon Awards. Maraming Salamat sa nag-nominate sa akin at sa KOmiks ko sa sa Komikon Awards! Pinalad tayong manalo ng "Best Grassroot Award Category". Sobrang nasisiyahan ako sa ating pagkapanalo. Marami ring salamat sa lahat ng bumubuo ng Komikon Committee, kayo ang pasimuno ng isang astig na komiks event!

Sabay sa komikon 2011 ang pag-lunsad ng Never Heard Webcomics namin nila Tepai, Aarron, Wan , Paolo at Kai. Pwede nyong subaybayan ang aming mga komiks sa internet sa website na ito [link] pwede nyo ring i-share sa inyong mga kaibigan at mga kamag-anak. Maganda ito dahil karamihan sa atin ay mahilig mag-online sa internet, so pag may oras kayo pwede nyong ibrowse ang web site at mag-enjoy sa komiks naming hatid.

Mapunta naman tayo sa event mismo, tulad dati, sobrang saya at sobrang daming tao! Hindi talaga ako naniniwalang patay na ang komiks! hindi talaaga, marahil ang nagsabi nun, hindi pa dumalo sa Komikon. Nakakatuwang makita ulit ang aking mga Komiks dabarkads, mga artist at mga pinoy komiks fans, andami ring mga bagong mukha sa indie comics! nakakatuwa talaga. Nakapamili ako ng mga Komiks sa simula at sa bandang katapusan ng event. Andami rin naming nabenta, maraming salamat kila Angel at RD na namakyaw ng komiks ko :D Maraming salamat rin kay Omeng na nagbigay ng astig Tupa Sculpture, congratulations gift! yey!

Hinding hindi ako magsasawang magkomiks, Isa akong Komiks fan simula pagkabata hanggang sa pagtanda. Mabuhay ang Pinoy Komiks!

Sunday, September 18, 2011

Digital Caricature

Meet my Brother Lou-mel. This is an experimental caricarture done digitally. First I scanned a rough pencil sketch and then inked and coolored using PS CS2. What do you think? :D

Friday, August 26, 2011

Goemon bolpen sketch Fanart(2011)

Goemon bolpen sketch Fanart(2011) after watching Castle of Cagliostro Movie I recalled this fun to watch anime, and I felt like doing a fan art :)

Tuesday, August 16, 2011

100 ARAW NG KOMIKS: Tepa Pascual'si Maktan 1521 LAPU-LAPU Fan Art

100 ARAW NG KOMIKS: Tepa Pascual'si  Maktan 1521 LAPU-LAPU Fan Art. Isang astig na Komikera si Mareng Tepai at madalas kong makausap gamit ang beki language ahaha. Magaling siyang gumamit ng itim sa komiks nya, parang Frank Miller! ambilis din mag-sketch. :D astig di ba? 

Monday, August 15, 2011

100 ANK: Captain Barbel Fanart

100 ARAW NG KOMIKS: Mars Ravelo's Captain Barbel Fan art. Isang sikat na pinoy komiks karakter sa Pilipinas. Andaming pelikula, komiks at tv shows na ang ginawa na pinagbibidahan niya. 

Sunday, August 14, 2011

100 ANK: KALAYAAN Fan art

100 ARAW NG KOMIKS:Kalayaan Fanart. Miyembro rin ng Bayan Knights! isa pang astig na Komiks mula kay Gio Paredes.

Saturday, August 13, 2011

100 ANK: Manila Man Fanart

‎100 ARAW NG KOMIKS: Manila Man Fanart (bolpen sketch) Bayan Knights member and original Character by Rh Quilantang. Matagal ko ng gustong gumawa ng Manila Man Fan art Buti na na lang ay 100 araw ng komiks! :D

Friday, August 12, 2011

100 ARAW NG KOMIKS: Darna Fanart

100 ARAW NG KOMIKS: Darna Fanart. Isang Classic pinoy Komiks/tv/movie super hero. Sino bang Pinoy ang hinde nakakakilala sa kanya. Karaketer ni Mars Ravelo at dibuho ni Nestor Redondo. 

100 ARAW NG KOMIKS: Ang Panday Fanart(bolpen sketch)

100 ARAW NG KOMIKS: Ang Panday Fanart(bolpen sketch) Sikat na Pinoy Komiks karakater na ginawan ng madaming pelikula mula sa panulat ni Carlo J Caparas at guhit ni Steve Gan.

Thursday, August 11, 2011

100 ANK: Dyesebel Fanart

‎100 ARAW NG KOMIKS: Dyesebel Fanart. Bolpen sketch. Character ni Mars Ravelo. Pinakasikat na serena sa Pinoy Komiks.

Tuesday, August 9, 2011

100 ARAW NG KOMIKS: Angry Man Fan art, original character by Victor Gagni ng Silent Sanctum manga. Isang Call center agent ang bida sa comics na to kaya gumawa ako ng fanart. :D 

Sunday, August 7, 2011

100 ARAW NG KOMIKS: Heronimo alyas HERO fan art.

100 ARAW NG KOMIKS: Heronimo alyas HERO fan art. Original character by Rommel "Omeng" Estanislao. Ang bagong hero ng Marikina. :D Astig na komiks! Brush ang gamit ko sa drawing na to, oks lang ba? :D 

Saturday, August 6, 2011

100 ARAW NG KOMIKS: Ambush Fan Art

100 ARAW NG KOMIKS: Ambush Fan Art. Original character by Andrew Villar. 

‎100 ARAW NG KOMIKS: BATHALA Fan Art

‎100 ARAW NG KOMIKS: BATHALA Fan Art. Original character by John Felix Zamarof Komikon Inc. Bolpen sketch

Thursday, August 4, 2011

‎100 ARAW NG KOMIKS: Taal Monster (fan art)

‎100 ARAW NG KOMIKS: Taal Monster (fan art) Isang nakakatuwang komiks mula kay Macoy Kulit. Saan kayo nakakita ng giant montster na naka-pajama at nag-eelevator? :) Kasama ang Taal Monster VS. Evil Space Paro-paro sa Sulyap Komiks Anthology mula sa Komikon Inc.

100 ARAW NG KOMIKS: OVERDRIVE(fan art)

100 ARAW NG KOMIKS: OVERDRIVE(fan art) - karakter ni Mark Rosario ng Bayan Knights at isa ko ring mabuting Kaibigan. :) 

Tuesday, August 2, 2011

100 ARAW NG KOMIKS: BOY BAKAL


 100 ARAW NG KOMIKS: BOY BAKAL - Likha ni Carlo V.Olrac Jebs Tae sa Facebook. Tawa ako ng tawa sa pagbabasa ng komiks na to. Isa sa mga mairerekomenda kong Indie Komiks ngayon. :) 


Ang fan art na ito ay ginawa ko noong Baguio Comic Con. Bakalan na!!! 

‎100 ARAW NG KOMIKS: KAPITAN TOG!

‎100 ARAW NG KOMIKS: KAPITAN TOG! Fan art. karakter na likha ni Freely Abrigo ng SKP, AKDA Komiks Group.

si Kapitan Tog ay ang superhero na laging nauuntog! :D pramis! Nakakatuwa ang komiks na to. Ang aking fan art ay bersyon ko lamang na medyo realistic ang komiks ni Freely ay cartoons, napagaling nya sa cartoons. :)

Sunday, July 31, 2011

100 ARAW NG KOMIKS: SULYAP: Independent Comic Book Anthology


100 ARAW NG KOMIKS: SULYAP: Independent Comic Book Anthology. Published by Komikon Inc. is a collection of short Filipino independent komiks works, edited by Jon Zamar. Released last November 13, 2010 at the Komikon in StarMall. 
Featuring the works of:


Ian Olympia
Mel Casipit
RH Quilantang
Gio Paredes
Rommel Estanislao
Tepai Pascual
macoy
Josel Nicolas


With a foreword by Gerry Alanguilan


- Sobrang saya ko ng maimbita ako ni Jon Zamar na maisali ang Baboy komiks ko. Tulad ng sabi ko dati, sa Baboy nagsimula ang lahat. Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Komikon Inc. sa pagpapahalaga sa mga tulad naming independeng komiks creators. 

Saturday, July 30, 2011

100 ARAW NG KOMIKS (Day 31) Jani Torac


100 ARAW NG KOMIKS (Day 31) Jani Torac. ay isa sa mga pangunahing tauhan sa aking Mukat Comics siya ay ang nangungunang estudyante sa Euclidia'n School of Art's and Magic. Kaya siya ay tulad ni Sapok ang napiling gumabay kay Eric para sa kanyang paglalakabay at paikikipagsapalaran. Esesiyalista sa mga halimaw si Jani, layon nyang talunin ang kampiyon sa pakikipaglaban gamit ang mga halimaw. Ang nakaraan ni Jani ay bibida sa mga susunod na pahina ng Mukat Komiks ko.

Fun fact about about the character: Ipinangalan ko siya sa isa kong kaklase nung hayskul.

Friday, July 29, 2011

100 ARAW NG KOMIKS (Day 29) Sapokito Makalakal



100 ARAW NG KOMIKS (Day 29) Sapokito Makalakal - ay isa sa mga pangunahing tauhan sa aking Mukat Comics siya ay ang nangungunang estudyante sa Euclidia'n School of Art's and Magic. Kasama si Jani. Unang nagpakita sa isyu 2 ng Mukat. Magic ang specialty ni Sapok, na siyang naging gabay ni Prinsipe Eric sa kanyang pakikipagsapalaran.


Fun fact about sa character, pinangalan ko si Sapok sa aking Pinsan at kapitbahay na may parehong palayaw. 

Tuesday, July 26, 2011

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 27) Eric Euclidia


‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 27) Eric Euclidia - Siya ang pangunahing tauhan sa aking Mukat Comics. Siya ay 17-taong gulang at prinsipe ng Kaharian ng Euclidia. Anak nila Haring Roly at Reyna Cecilya. Ang hangad nya ay mahanap si Dayan ang kanyang bespren, may kasunduan kasi sila nung sila ay bata pa na magiging sila ang magkakatuluyan.

Fun fact about sa character, Si Eric ay pinangalan ko sa aking klasmeyt nung highschool sa Pangasinan National Highschool. Si Haring Roly ay adviser namin nung 4th yr HS at si Reyna Cecilya ay class adviser namin nung 3rd yr HS.

Monday, July 25, 2011

100 ARAW NG KOMIKS (Day 26) Boy Labi

100 ARAW NG KOMIKS (Day 26) Boy Labi - Unang lumabas sa MLU Comic ko noong Komikon 2009. Minsan lang siya lumabas at sa iisang panel lang sa komiks. Hinde ko alam kung bakit paborito siyang character nila Maika Ezawa at Tepai Pascual ng Meganon Comics. Ang fan art na ito ay gawa ni Tepai. :) 

Sunday, July 24, 2011

100 ARAW NG KOMIKS (Day 25) Agnes

100 ARAW NG KOMIKS (Day 25) Agnes
tauhan mula sa Mukat issue 1. Isa syang hunter at naghahanap siya ng mga malalakas na halimaw para gamitin sa pakikipaglaban. Kung bakit? alamin sa Mukat issue 1.

Gamit ni Agnes sina Crisante at Manny. Fun fact about the characters, si Agnes ay pinangalan ko sa kaklase kong babae nung highschool, sila Crisante at Manny naman ay mga kaklase ko nung 1st yr college.

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 24) KULAYOT

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 24) KULAYOT 
- Si Kulayot ay isa sa mga tauhan sa Komiks kong Mukat. Unang Lumabas sa unang isyu. Isa syang mahiwagang nilalang at makapangyarihan. Para mas makilala nyo si Kulayot maaari lamang na basahin nyo ang Mukat Comics ko. :D

Mukat comics ay sinimulan ko nung college(2002) sa Pangasinan State University. Mahilig akong mag-experimento sa covers at pure traditional lahat ng ginagawa ko. Wala kasi akong computer at kung ano-ano pa kaya nag-tatyaga ako sa pentel pen, sign pen at papel.

Friday, July 22, 2011

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 23) MUKAT Legends (2000-2002)



‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 23) MUKAT Legends (2000-2002) Bago ang Mukat na ginawa ko nung College pa ako sa Pangasinan State University (PSU) ay gumawa na ako ng sarili kong Komiks nung nasa Hayskul pa ako sa Pangasinan National Highschool. 3rd year ako nun nung ako'y nagsimulang gumawa ng komiks. Anime Style ang gamit ko, tulad ng karamihan sa mga nagsisimulang gumawa ng indie komiks ngayon, pano naman kasi, yun ang uso at mas dun ako expose, kahit yung mga binabasa kong komiks sa Funny Komiks ay Anime inspired din.

Nagsimula ito nung may nakita akong parang pocket book na blangko ang mga pahina, nagkaroon ako ng idea na gumawa ng komiks! :D

May pagka-elemental warriors ang istorya ng komiks kong ito. Mayroong apoy, tubig, earth, swordsman, magic, drunken master, black energy, technology at iba pa, bale kung anong maisipan kong isaksak sa story isasaksak ko talaga. Naka-3 compilation ako siguro mga 150 pages lahat at tapos ang story nito saka colored pa! Natapos ang komiks ko nung sinimulan kong gawin ang komiks kong Mukat na nilabas ko ang chapter 1 noong nakaraang Komikon 2010.

Thursday, July 21, 2011

100 ARAW NG KOMIKS (Day 22) Ruta at Boy Padala

100 ARAW NG KOMIKS (Day 22) Ruta at Boy Padala - LBC Domain ang official Newsletter ng LBC. Empleyado ang tatay ko sa kompanya, bukas ang newsletter sa mga submission kasama na dito ang komiks. Nung nasabihan ako ng tatay ko gumawa ako ng dalawang strips ang Ruta at Boy Padala. Tungkol ito sa buhay ng isang delivery man ng LBC at sa front desk ng opisina. Nakapag-submit siguro ako ng  sampung strips, hinde kasi ako nakatira na sa Pangasinan.

Wednesday, July 20, 2011

100 ARAW NG KOMIKS (Day 21) Love Sorrow


100 ARAW NG KOMIKS (Day 21) Love Sorrow - mula 1998 - 2002 masugid akong tagasubaybay ng Funny Komiks, tuwing biyernes ay komiks ang inaabangan kong pasalubong mula sa nanay ko galing palengke. Dahil sa pagbabasa ko ng FK(Funny Komiks) ay nagsubmit ako ng mga fan arts para sa "this is your page" section. Tinitingnan ko rin ang mga nagsubmit na iba-pa. Hnd pa uso ang Facebook nun, kahit yung friendster ay nagsisimula pa palang din sumikat. May mga readers rin na nag-lalagay ng kanilang address at mobile no. sa sinasama nila sa drawing nila. dahil dun ay nagkaroon ako ng mga "pen-pals" ahahaha seryoso ako, penpals talaga. Siyempre ang mga penpals ko ay mga FK readers rin at marunong magdrawing. Ako rin minsan ay naglalagay ng address namin sa drawings ko kaya nakakatanggap rin ako ng mga sulat galing sa iba pang readers. Kakaibang kasiyahan ang dulot sa aking sa tuwing makakatanggap ako ng mga sulat, isipin mo yun susulat ka nga ngayon, next week pa matatanggap ng padadalhan mo at pag-sagot nya ay isang linggo din ang aantayin mo para makatanggap ka nga reply. Yun ay kung sasagot ang pen-pal mo ahahaha. Nag-pen pal ako nun dahil may isa rin akong motibo, yun ay ang makipag-swap ng mga artworks sa iba pang FK readers. Madami-dami din ang mga naipon kung drawings galing sa mga kaibigan kong readers, ang mga yun ay nakatago sa bahay namin sa Pangasinan. Ang mga pen-pals ko ay taga Cavite, Baguio, Toguegarao, La Union, Batangas, Pampanga, Bataan at kung saan saan pa. 


Mabalik tayo sa Love Sorrow, may isa akong pen-pal na babae ang humiling na makipag-colaborate sa isang sulat nyang kwento. Ito na nga ang Love Sorrow, nag-palitan kami ng sulat hanggang sa matapos ko ang Komiks. Taga-cavite ang may Akda ng Love Sorrow ang pangalan nya ay Katherine Joy Pamintuan. Kung sino man ang nakakalila sa kanya ay pakisabing balak kung ilabas sa susunod na Komikon ang Komiks namin. 17 pages ang komiks na ito tungkol sa dalawang kabataan, medyo malungkot ang kwento nito, (hellow! kaya nga Love sorrow eh). Madami rin ang nakabasa nito sa amin sa Pangasinan at ngayon ay balak kong i-share sa mga kaibigan ko dito sa Metro Manila.  

Tuesday, July 19, 2011

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 20) KAGUBATAN (2004)

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 20) KAGUBATAN (2004) Ito ang pangalawa kong entry para sa CCCom (Culture Crash Comic) 8 page comics feature. Nauna ang "Payt 4 Lab"(2003). Sayang at hinde napili ang comics ko pero oks lang, achievement pa rin sa 'kin dahil nakatapos ako ng isa ang 8 page short comics. Mabigat ang impluwensya sakin ng anime dati, hnd ako masyadong exposed sa western comics kaya siguro. Nito na lang ako nakakapag-basa madalas ng mga western comics. Kaya ito ang naging kinalabasan ng artwork. 17 yrs old pa lang ako nung panahong ginawa kong Kagubatan, tungkol ito sa istorya ng isang prinsepeng inatasang magpunta sa kagubatan para sa isang misyon, Kung gusto nyong mabasa ang kabuuan ng komiks, abangan nyo na lamang sa susunod na komikon sa Nobiyembre, kung saan balak kong ilabas ang aking mga short komiks. Sa panahong ito ay ginagawa ko ang book 3 ng mukat komiks ko, kaya mas maayos ang art kumpara sa Payt 4 lab. Nakakatuwang balikan ang mga dati kong ginawang komiks, parang andali lang lahat at hinde tulad ngayon na naghahanap ako ng oras palagi para makagawa ng komiks. Dati kasi ay, madami akong oras na makapagdrawing kahit ako'y nag-aaral pa.

Monday, July 18, 2011

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 19) PAYT4LAB (Fight for Love)

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 19) PAYT4LAB (Fight for Love) I love Culture Crash Comics (CCCom) ever since I first heard of it I was very eager to have a copy. I always envy my highschool Classmates you are able to but copies of the the comics in Manila. It was CCCom Issue 10 when the distribution of the comics hits our place at Pangasinan. Then after I never missed an issue of CCCom. No, this post is not about CCCom It's about my early comics Payt 4 Lab (fight for love in jejemons term) After I read a copy of Culture Crash Issue 10 immediately notice the part where fans can be featured and published in the Comics with pay! and Fame! Maximum of 8 pages colored/b&w is Ok so I grabbed my chance. I immediately created a short story about fighting and loving hence the title hehe. The story is not so deep, I just did it for fun, my resources are very limited so I just submitted my comics in B&w. I did my best at the time and applied all I know about comics creation. I'm pretty happy about the result, though I really least expect to be chosen since I would assume most of the entries submitted is in full color, based on the previous issues I had read. I submitted the comics and hoped for the best. Though I didn't win I was still ecstatic, I love all the comics I do. It's my stepping stone to become what I am now. I was really happy every time I share a table now with my influences, the CCCom people! :) Hoping to see the CCCom once again! Hoping for the best! :)

Sunday, July 17, 2011

100 araw ng Komiks(day 18) FB3C Baguio Comic Con


















Baguio City. Last July 16, 2011 the 1st Baguio City Comics Comics Convention was held at the City Of Pines and the Summer Capital of the Philippines at the Baguio City National High School. Organized by the Winner of the Hero TV's Comics Creation Contest Gerald Asbucan and his team, even with so little time to prepare they were able to make the event happen, which is very admirable. The event started from 9am - 8pm at the High School Audiorium. The event was very successful with special guest from the Indie Comics people from Manila and the Northern Provinces like myself in Pangasinan, Comics Veterans Sir Danny Acuna, Jun Lofamia, etc.. , Sketchpad Studios headed by Sir Ernest Hernandez, Komikon people and artists with Jon Zamar and Ser Manix Abrera. 

A number of cosplayers attended the event, most of them went in the afternoon that I think draw some crowd. The Comics vetarans at the skethpad studios did some "free" sketches of the attendees also made the people go home with a smile on their faces. We at the Indie table sold some Indie Comics which is very good, we were able to sell really good number of comics! :) yey! As compared the conventions here in Manila which are Coplay and Toys centered we did more sales at Baguio Con! 

I was also able to share little jokes and talk about comics with my table mates, Jon, Carlo(Boy bakal, Birdy kid, etc...) and Doc Carlo. We also did some fan arts particularly of Boy Bakal on our free time. A lot of teens also participated on the event, most attended because of the cosplay, but a number of them also puchased Indie comics and have a little chat with them. Some local artist based at Baguio were also present, they are really nice and I was able to gain new artist friends from Baguio. Was also able to draw few caricatures for new friends :) Me and Carlo(boy bakal) also met a new friend who stayed at our table until afternoon, uoooyy Carlo! ahaha 

Local media of bagio was also present(both print and tv) I also did a demo art for the local news, :D I hope I'll get the chance to watch it. Gerald told us that by February next year they are going to organize another Comics Convention, in line with the "Panagbenga" Flower Festival 2012, made us very eager to join and be back at Baguio.

It was closing time when I was invited by sir Ernest for a dinner with the Carlo, Sketchpad artist and Gio Paredes(Kalayaan), we went at the Tam-awan village a place in Baguio where artist and tourist come and enjoy then place, we went there at night time so I was not yet able to see the view but as we enterered the place we were welcomed by great artworks and Cool artists! Thanks to Sir Chit Asignacion and together witht the artist of tam-awan the place was adorable and memorable! The place, the art, the people and the accomdation was really worth the mention, I could not thank them enough for the hospitality. 

During our stay at Tam-awan village, shortly after the dinner we were invited to have sketching session, "nude" sketching session :D I don't know at first what to expect, and I was really curious so I joined. Thanks to Gio for the vellum paper. Then after, we unwined and talked about the place, and the art of the two disciplines (comics and visual art) over a bottle or should I say bottles of "Bugnay Wine", it was really a good drink! I love the wine! Sir Chit said it was their best seller and tourist often come just to order boxes of the Wine, which I understand why. In the morning, Gio and I took some pictures, then shortly after Ernest brought his camera and took good pictures as well! Really fun way to start the morning of the cool place. After the breakfast, I already went ahead to go home to Pangasinan.

Before I went back to Manila I met my good friend Mark of Planet Markus blog site, gave him a copy of my mukat comics and had a little chat, he said he had a good news for me, the good news he will anounce soon! :) Looking forward for the Mukat review Mark thanks! :) 

Overall, the Baguio Comic Con is a very successful event, next year I'm pretty sure it will be even bigger! Thanks to everyone who made the event possible! And thanks for taking time to read my post

Web Site Counter
typewriters