Wednesday, August 28, 2013

MELCASIPIT.COM is now Online!

I will be moving my blogs to MelCasipit.com moving forward. It's my dream to have a website under my name, and I finally got my dream come true! There, I will post my artworks and blogs about anything I can think of. Thanks and see you there!

Mel Casipit

Saturday, July 6, 2013

Meeting Mr. Wincat Alcala


Nagpunta sa Pilipinas si Mr. Edwin "Wincat" Alcala Assistant Director ng Family Guy upang magbahagi ng kaalaman sa animation. Ang talk ay naganap sa Informatics College, Rm 2G sa Eastwood campus, Hulyo 6, 2013, hatid ng ACPI o Animation Council of the Philippines. 

Simula nung bata pa lang ako pangarap ko ng maging animator. Simula noong makapanood ako ng mga cartoons sa TV ay nahumaling na ako agad. Nahilig ako sa panonood ng cartoons at magbasa ng komiks. Kahit nung ako'y naging teenager at ngayon na professional na di pa rin natanggal ang pagkagusto ko sa animation, dream job ko talaga yun.






Nabalitaan ko kay Kai Castillo noong nilink nya sakin ang tungkol sa talk ni Mr. Wincat Alcala sa Eastwood, na sinundan ng paglink sakin ulit nila Randy Valiente at Tepai Pascual, kapwa mga kakomiks ko. Si G. Alcala ay Assistant Director ng Family Guy. Isang palabas na cartoons mula sa Fox Broadcasting Company na nilikha ni Seth Mcfarlane. Sobrang sikat ang palabas na ito, madami-dami nga ang mga nagpapagawa sakin ng Family Guy style na version ng mga kaibigan ko at minsan mga kaibigan sa iba't-ibang bansa.

Sinamahan ako ni Emman Centeno na magpunta sa Informatics College sa Eastwood at kamiy nakinig sa talk ni G. Wincat Alcala. Andami kong natutunan sa talk na iyon. Nagkuwento muna si G. Alcala tungkol sa kanyang buhay, simula noong sya ay bata pa. Kwento nya noong araw daw pag nagisimba sila ng nanay nya sa Quiapo Church, minamasdang maigi nya yung anatomy ni Kristo sa krus pati yung imahe ng Nazareno, pinagaaralan nya yung kamay at paa. Pagdating sa bahay saka nya ginuguhit ang kanyang mga natatandaang detalye. Pabirong sinabi rin ni Sir Wincat na sa supot ng pandesal sya madalas magpractice magdrawing dahil sa hirap ng buhay.  Tulad ng marami sa ating artist naging school artist din sya sa kanyang paaralan.

Sa Feati University siya nag-aral ng Architecture tulad ng tatay ko. Di ko lang alam kung magkakilala sila, baka hindi. Di daw kasi pabor ang tatay nya sa pagpa-fine arts kahit yun ang gusto nya talagang kunin nung college. Kaya ang ginawa nya ay makisingit o seat-in sa klase ng mga fine arts.

Naging dancer din daw si Sir Wincat, sumasali sya sa mga pakontest sa TV gaya ng Eat Bulaga, dagdag pa nya, nagamit nya yung kinetics ng sayaw sa pag-aanimation. Sabi rin nya na nagkainteres din sya sa mga prostetics ng mga horror movie.


Galing si Mr. Alcala sa Burbank Animation studios, tapos sa Phil Animation noong 1991 pinadala daw sya sa US para maging animator sa Hanna Barbera. Doon sya nagpalipat-lipat ng animation studio gaya ng Nickelodeon, Warner Studios at sa Fox. Ilan sa mga cartoons na naging parte sya ay Dora the Explorer, Fairly Odd Parents, madami pa di ko na alam yung ilan, basta check nyo yung site ni Sir Wincat sa WincatAlcala.com. Syempre ang pinakalatest ay yung Family Guy sa Fox,

Di ko na masyadong idedetalye ang mga diniscuss ni Sir Wincat kasi medyo madami-dami din yun, share ko na lang yung iba, gaya ng "gesture", "volume" at "silhouette". Sa animation din daw, the action should be clearly portrayed, Cartoons should be exaggerated.

Sa design naman, importante ang simplicity, details should be minimized kasi animation is all about acting and story.

Iwasan din daw ang tangent line or parallel lines. Mas maganda kung organic ang feel ng animation. Sabi rin ni Sir Wincat ang pinakapaborito nyang Disney cartoons lalo na sa mga gustong matuto ng principles ng animation ay yung "Jungle Book" kaya nga maghahanap ako ng movie na yun at ng mapanood.

So ayun na nga, napahaba ang blog kong ito. Bihira lang kasi akong magsulat, ginagawa ko lang to pag sobra akong nainspire at natuwa. Sana may mag-tyagang magbasa ng blog na to hanggang sa part nato. May magandang balita kasi si Sir Wincat, malaki ang pag-asa ng mga pinoy animators na makabreak-in sa US animation studios.


Tuesday, February 5, 2013

Komikon Baguio

This saturday, February 9, 2013 me together with my good friends in comics, will attend the Komikon Baguio.  for details please see the pictures below. I was also invited to talk about the Independent Comics scene in the country. Watch out for us and see you all at the event! :) 





Monday, October 29, 2012

Chef Caricatures







I had been contacted by my long FB friend to do a chef commission. I was hesitant at first as the Komikon 2012 is fast approaching, but I accepted it anyway. I really missed drawing caricatures its been a while since I last drew one. I was happy with the result as well the person who did the commission. I hope the persons I made the caricature for also loved their caricature. Looking forward for more caricatures in the future. These caricatures where done in the month of October of 2012. 

Tuesday, September 25, 2012

Love Illustrations Revived





Just recently I was able to try out using paint tool sai, I wanted to practice making artworks digitally. You see I had always been traditional, but you can't escape change, so I did. These artworks are part of my love illustration collection sketches done last quarter of 2011. I did those drawings as a past time, and emotional diversion. At that time I was really depressed and heart broken (a bit :)) so I envisioned love couples and so I drew. A lot of people love those sketches when I post them on FB so I continued doing those sketches even though I'm already over the emotional stress. 

Wednesday, July 18, 2012

New Caricatures

caricature for Mr. & Mrs Louie Gomez

Caricature for Mr. & Mrs. Vincent Calaor

caricature for Bob Shoemaker

Sunday, July 15, 2012

Komikon Indieket Blog ni Mel Casipit
















Komikon Indieket. The First Komikon Grand Independent Komiks Market 2012. Held at Bayanihan Center, Pasig city last July 14, 2012.

Habang fresh pa ang alala, nais kong magblog sa event na ito. Noong malaman ko na may Indieket agad akong gumawa ng bagong issue ng Mukat yun yung issue no. 6. Balak ko kasi talagang maglabas ng bagong Issue ng Mukat sa bawat convention na pupuntahan ko. Ayun na nga, gumising ako ng maaga para event na Indie sa araw ng Hulyo 14, mga 8:00 kahit medyo late na akong natulog maaga pa rin akong nagising siguro dahil sa excitement. Dumating ako sa Bayanihan center ng mga 9:15am, dahil wala pa sila Aaron at Wan kape-kape muna ako sa Jollibee, sorry di ako mahilig sa starbucks hehe. Pagbukas ng event ng 10am kasama kong pumasok sa loob ng Bayanihan center si Kai at dumiretso kami sa table ng Neverheard Webcomics. Hindi na kami nahirapan sa paghanap ng table dahil nasa bungad lang kami kita namin ang mga pumapasok. Pagkatapos ng hi, hello kila Maika at Tepai nagset-up agad kami. Swerte paglapag ko ng Komiks may bumili agad ng isang set ng komiks ko! astig! kaya ayun pinaypay ko agad sa paninda kong komiks yung bayad nya hehe, you know? Pinakita-rin sa akin ni Tepai yung Studio Ghibli books nya galing amazon! Sobrang fan ako ng mga movie ni Hayao Miyazaki kaya sobrang tuwa ko ng masulyapan ko lang ang book na yun, puno kasi ng artwork ng movie! Spirited Away at Howl's Castle. 

Napansin ko agad na kalahati lang ng Hall ang ginamit sa indieket pero oks lang yun. Puno naman ng Komiks ang event at lahat ng dumadaan ay potential buyers. Ang dami kong nabenta! sa katunayan mas madami akong nabenta sa indieket kaysa last summer komikon. Hindo ko masyado inexpect na ganun kadami ang buyers sa indieket kaya sobrang natuwa ako.

Buong araw kaming nagkulitan sa table namin kasama sila Wan at Aaron at Kai, ewan ko ba, siguro dahil hindi na ako masyado napupuyat dahil pangumaga na ako kaya ang sigla ko nung araw na yun.

Binigyan ko si Patrick Rawr ng Baboy 2 at binigyan din naman nya ako ng original art, astig diba? Binigyan din ako ni Carlo Valenzuela ng free Pi-totoy Komiks nya at ako pa ang gagawa ng next cover ng Pi-totoy! Nabasa ko na rin yung komiks na yun pag-uwi at natuwa ako sa story ang kulet e.

Pagkatapos ng event dumiretso ang Neverheard team kasama si Rhiver at asawa este GF nya sa Chowking, bangag na si Aaron halos makatulog na sya sa upuan sa sobrang puyat. Pagkatapos naming kumain, ayun kuwentuhan ulit kami tungkol sa indieket at komiks ayuns chismisan to da max pwera kay aaron hehe. Napagkuwentuhan din namin ang balak namin na gawing compiled book na ang mga gawa namin nainspire kami ni Tepai eh.

Maraming-maraming salamat sa lahat ng duaman at bumili ng mga komiks namin. Sobrang saya ng feeling pag may bumili ulit ng komiks mo kahit nakabili na sya dahil ibibigay daw sa kapatid, o kahit na sino pa, rakenrol yun!

Web Site Counter
typewriters