Meeting Mr. Wincat Alcala


Nagpunta sa Pilipinas si Mr. Edwin "Wincat" Alcala Assistant Director ng Family Guy upang magbahagi ng kaalaman sa animation. Ang talk ay naganap sa Informatics College, Rm 2G sa Eastwood campus, Hulyo 6, 2013, hatid ng ACPI o Animation Council of the Philippines. 

Simula nung bata pa lang ako pangarap ko ng maging animator. Simula noong makapanood ako ng mga cartoons sa TV ay nahumaling na ako agad. Nahilig ako sa panonood ng cartoons at magbasa ng komiks. Kahit nung ako'y naging teenager at ngayon na professional na di pa rin natanggal ang pagkagusto ko sa animation, dream job ko talaga yun.






Nabalitaan ko kay Kai Castillo noong nilink nya sakin ang tungkol sa talk ni Mr. Wincat Alcala sa Eastwood, na sinundan ng paglink sakin ulit nila Randy Valiente at Tepai Pascual, kapwa mga kakomiks ko. Si G. Alcala ay Assistant Director ng Family Guy. Isang palabas na cartoons mula sa Fox Broadcasting Company na nilikha ni Seth Mcfarlane. Sobrang sikat ang palabas na ito, madami-dami nga ang mga nagpapagawa sakin ng Family Guy style na version ng mga kaibigan ko at minsan mga kaibigan sa iba't-ibang bansa.

Sinamahan ako ni Emman Centeno na magpunta sa Informatics College sa Eastwood at kamiy nakinig sa talk ni G. Wincat Alcala. Andami kong natutunan sa talk na iyon. Nagkuwento muna si G. Alcala tungkol sa kanyang buhay, simula noong sya ay bata pa. Kwento nya noong araw daw pag nagisimba sila ng nanay nya sa Quiapo Church, minamasdang maigi nya yung anatomy ni Kristo sa krus pati yung imahe ng Nazareno, pinagaaralan nya yung kamay at paa. Pagdating sa bahay saka nya ginuguhit ang kanyang mga natatandaang detalye. Pabirong sinabi rin ni Sir Wincat na sa supot ng pandesal sya madalas magpractice magdrawing dahil sa hirap ng buhay.  Tulad ng marami sa ating artist naging school artist din sya sa kanyang paaralan.

Sa Feati University siya nag-aral ng Architecture tulad ng tatay ko. Di ko lang alam kung magkakilala sila, baka hindi. Di daw kasi pabor ang tatay nya sa pagpa-fine arts kahit yun ang gusto nya talagang kunin nung college. Kaya ang ginawa nya ay makisingit o seat-in sa klase ng mga fine arts.

Naging dancer din daw si Sir Wincat, sumasali sya sa mga pakontest sa TV gaya ng Eat Bulaga, dagdag pa nya, nagamit nya yung kinetics ng sayaw sa pag-aanimation. Sabi rin nya na nagkainteres din sya sa mga prostetics ng mga horror movie.


Galing si Mr. Alcala sa Burbank Animation studios, tapos sa Phil Animation noong 1991 pinadala daw sya sa US para maging animator sa Hanna Barbera. Doon sya nagpalipat-lipat ng animation studio gaya ng Nickelodeon, Warner Studios at sa Fox. Ilan sa mga cartoons na naging parte sya ay Dora the Explorer, Fairly Odd Parents, madami pa di ko na alam yung ilan, basta check nyo yung site ni Sir Wincat sa WincatAlcala.com. Syempre ang pinakalatest ay yung Family Guy sa Fox,

Di ko na masyadong idedetalye ang mga diniscuss ni Sir Wincat kasi medyo madami-dami din yun, share ko na lang yung iba, gaya ng "gesture", "volume" at "silhouette". Sa animation din daw, the action should be clearly portrayed, Cartoons should be exaggerated.

Sa design naman, importante ang simplicity, details should be minimized kasi animation is all about acting and story.

Iwasan din daw ang tangent line or parallel lines. Mas maganda kung organic ang feel ng animation. Sabi rin ni Sir Wincat ang pinakapaborito nyang Disney cartoons lalo na sa mga gustong matuto ng principles ng animation ay yung "Jungle Book" kaya nga maghahanap ako ng movie na yun at ng mapanood.

So ayun na nga, napahaba ang blog kong ito. Bihira lang kasi akong magsulat, ginagawa ko lang to pag sobra akong nainspire at natuwa. Sana may mag-tyagang magbasa ng blog na to hanggang sa part nato. May magandang balita kasi si Sir Wincat, malaki ang pag-asa ng mga pinoy animators na makabreak-in sa US animation studios.


Comments

Popular posts from this blog

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 20) KAGUBATAN (2004)

100 ARAW NG KOMIKS (Day 21) Love Sorrow