KOMIKON 2011

4:48 AM 11/20/2011

Nobiyembre 17. 2011 sa Bayanihan Center Pasig City ginanap ang ika-pitong Komikon(pina-ikling Komiks Konbensiyon). Suki ako ang naturang kaganapan, simula Komikon 2006 wala na akong pinalampas na Komikon. Noong una, attendee lang ako, hanggang sa Komikon 2008 naisipan kong sumali sa Komikon Comics Creation Contest. Doon ko napanalunan ang una kong award sa komiks career ko, nung manalo ang Baboy, tapos ang DogStyle at huli ang MLU (Madramang Lambingan sa Umaga) Ngayong 2011 nanominate ang Komiks ko para sa 3rd Komikon Awards. Maraming Salamat sa nag-nominate sa akin at sa KOmiks ko sa sa Komikon Awards! Pinalad tayong manalo ng "Best Grassroot Award Category". Sobrang nasisiyahan ako sa ating pagkapanalo. Marami ring salamat sa lahat ng bumubuo ng Komikon Committee, kayo ang pasimuno ng isang astig na komiks event!

Sabay sa komikon 2011 ang pag-lunsad ng Never Heard Webcomics namin nila Tepai, Aarron, Wan , Paolo at Kai. Pwede nyong subaybayan ang aming mga komiks sa internet sa website na ito [link] pwede nyo ring i-share sa inyong mga kaibigan at mga kamag-anak. Maganda ito dahil karamihan sa atin ay mahilig mag-online sa internet, so pag may oras kayo pwede nyong ibrowse ang web site at mag-enjoy sa komiks naming hatid.

Mapunta naman tayo sa event mismo, tulad dati, sobrang saya at sobrang daming tao! Hindi talaga ako naniniwalang patay na ang komiks! hindi talaaga, marahil ang nagsabi nun, hindi pa dumalo sa Komikon. Nakakatuwang makita ulit ang aking mga Komiks dabarkads, mga artist at mga pinoy komiks fans, andami ring mga bagong mukha sa indie comics! nakakatuwa talaga. Nakapamili ako ng mga Komiks sa simula at sa bandang katapusan ng event. Andami rin naming nabenta, maraming salamat kila Angel at RD na namakyaw ng komiks ko :D Maraming salamat rin kay Omeng na nagbigay ng astig Tupa Sculpture, congratulations gift! yey!

Hinding hindi ako magsasawang magkomiks, Isa akong Komiks fan simula pagkabata hanggang sa pagtanda. Mabuhay ang Pinoy Komiks!

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 20) KAGUBATAN (2004)

100 ARAW NG KOMIKS (Day 21) Love Sorrow