‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 23) MUKAT Legends (2000-2002)



‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 23) MUKAT Legends (2000-2002) Bago ang Mukat na ginawa ko nung College pa ako sa Pangasinan State University (PSU) ay gumawa na ako ng sarili kong Komiks nung nasa Hayskul pa ako sa Pangasinan National Highschool. 3rd year ako nun nung ako'y nagsimulang gumawa ng komiks. Anime Style ang gamit ko, tulad ng karamihan sa mga nagsisimulang gumawa ng indie komiks ngayon, pano naman kasi, yun ang uso at mas dun ako expose, kahit yung mga binabasa kong komiks sa Funny Komiks ay Anime inspired din.

Nagsimula ito nung may nakita akong parang pocket book na blangko ang mga pahina, nagkaroon ako ng idea na gumawa ng komiks! :D

May pagka-elemental warriors ang istorya ng komiks kong ito. Mayroong apoy, tubig, earth, swordsman, magic, drunken master, black energy, technology at iba pa, bale kung anong maisipan kong isaksak sa story isasaksak ko talaga. Naka-3 compilation ako siguro mga 150 pages lahat at tapos ang story nito saka colored pa! Natapos ang komiks ko nung sinimulan kong gawin ang komiks kong Mukat na nilabas ko ang chapter 1 noong nakaraang Komikon 2010.

Comments

Popular posts from this blog

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 20) KAGUBATAN (2004)

Lapu-lapu Reprint and Fanart