Thursday, July 7, 2011

100 ARAW NG KOMIKS (Day 8) Komiks Collection(2002 - 2006)

100 ARAW NG KOMIKS (Day 8) Komiks Collection(2002 - 2006) Nagsimula akong mag-komiks nung hayskul, na nagtuloy-tuloy hanggang college ako sa Pangasinan State University. Mula 1st yr hanggang pagka-graduate naging staff ako ng "Cast Chronicle" ang aming college school paper. Kung saan ako nagpapasa ng mga editorial cartoons, illustrations at comics. Nasubukan ko ring makapunta sa iba't-ibang lugar sa luzon dahil sa pagsali sa mga school paper press conference. Pinakamalayo ang sa Bicol. Nanalo naman kahit papano sa on-the-spot comic strip contest, challenging nga ang mga ganung contest dahil isang oras lang ang ibibigay na oras para matapos mo ang editorial cartoon o comics entry mo, pero enjoy pa rin. 

Mabalik tayo sa Libro, nilipon ko lahat ng comics na nagawa ko sa isang libro kasama sa compilation yung ibang comics ng mga kilala kong artists. Mga gawa kong mula 2002 - 2006 ang lahat ng nakapaloob sa libro. Personal na kopya ko lang ang komiks compilation na ito, at nag-iisa lang minsan pag may bisita pinapabasa ko sa mga kaibigan at kamag-anak. :)

No comments:

Post a Comment

Web Site Counter
typewriters