Posts

Showing posts from July, 2011

100 ARAW NG KOMIKS: SULYAP: Independent Comic Book Anthology

Image
100 ARAW NG KOMIKS: SULYAP: Independent Comic Book Anthology. Published by Komikon Inc. is a collection of short Filipino independent komiks works, edited by Jon Zamar. Released last November 13, 2010 at the Komikon in StarMall.  Featuring the works of: Ian Olympia Mel Casipit RH Quilantang Gio Paredes Rommel Estanislao Tepai Pascual macoy Josel Nicolas With a foreword by Gerry Alanguilan - Sobrang saya ko ng maimbita ako ni Jon Zamar na maisali ang Baboy komiks ko. Tulad ng sabi ko dati, sa Baboy nagsimula ang lahat. Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Komikon Inc. sa pagpapahalaga sa mga tulad naming independeng komiks creators. 

100 ARAW NG KOMIKS (Day 31) Jani Torac

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 31) Jani Torac. ay isa sa mga pangunahing tauhan sa aking Mukat Comics siya ay ang nangungunang estudyante sa Euclidia'n School of Art's and Magic. Kaya siya ay tulad ni Sapok ang napiling gumabay kay Eric para sa kanyang paglalakabay at paikikipagsapalaran. Esesiyalista sa mga halimaw si Jani, layon nyang talunin ang kampiyon sa pakikipaglaban gamit ang mga halimaw. Ang nakaraan ni Jani ay bibida sa mga susunod na pahina ng Mukat Komiks ko. Fun fact about about the character: Ipinangalan ko siya sa isa kong kaklase nung hayskul.

100 ARAW NG KOMIKS (Day 29) Sapokito Makalakal

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 29) Sapokito Makalakal - ay isa sa mga pangunahing tauhan sa aking Mukat Comics siya ay ang nangungunang estudyante sa Euclidia'n School of Art's and Magic. Kasama si Jani. Unang nagpakita sa isyu 2 ng Mukat. Magic ang specialty ni Sapok, na siyang naging gabay ni Prinsipe Eric sa kanyang pakikipagsapalaran. Fun fact about sa character, pinangalan ko si Sapok sa aking Pinsan at kapitbahay na may parehong palayaw. 

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 27) Eric Euclidia

Image
‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 27) Eric Euclidia - Siya ang pangunahing tauhan sa aking  Mukat Comics . Siya ay 17-taong gulang at prinsipe ng Kaharian ng Euclidia. Anak nila Haring Roly at Reyna Cecilya. Ang hangad nya ay mahanap si Dayan ang kanyang bespren, may kasunduan kasi sila nung sila ay bata pa na magiging sila ang magkakatuluyan. Fun fact about sa character, Si Eric ay pinangalan ko sa aking klasmeyt nung highschool sa Pangasinan National Highschool. Si Haring Roly ay adviser namin nung 4th yr HS at si Reyna Cecilya ay class adviser namin nung 3rd yr HS.

100 ARAW NG KOMIKS (Day 26) Boy Labi

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 26) Boy Labi - Unang lumabas sa MLU Comic ko noong Komikon 2009. Minsan lang siya lumabas at sa iisang panel lang sa komiks. Hinde ko alam kung bakit paborito siyang character nila Maika Ezawa at Tepai Pascual ng Meganon Comics. Ang fan art na ito ay gawa ni Tepai. :) 

100 ARAW NG KOMIKS (Day 25) Agnes

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 25) Agnes tauhan mula sa Mukat issue 1. Isa syang hunter at naghahanap siya ng mga malalakas na halimaw para gamitin sa pakikipaglaban. Kung bakit? alamin sa Mukat issue 1. Gamit ni Agnes sina Crisante at Manny. Fun fact about the characters, si Agnes ay pinangalan ko sa kaklase kong babae nung highschool, sila Crisante at Manny naman ay mga kaklase ko nung 1st yr college.

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 24) KULAYOT

Image
‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 24) KULAYOT  - Si Kulayot ay isa sa mga tauhan sa Komiks kong Mukat. Unang Lumabas sa unang isyu. Isa syang mahiwagang nilalang at makapangyarihan. Para mas makilala nyo si Kulayot maaari lamang na basahin nyo ang Mukat Comics ko. :D Mukat comics ay sinimulan ko nung college(2002) sa Pangasinan State University. Mahilig akong mag-experimento sa covers at pure traditional lahat ng ginagawa ko. Wala kasi akong computer at kung ano-ano pa kaya nag-tatyaga ako sa pentel pen, sign pen at papel.

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 23) MUKAT Legends (2000-2002)

Image
‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 23) MUKAT Legends (2000-2002) Bago ang Mukat na ginawa ko nung College pa ako sa Pangasinan State University (PSU) ay gumawa na ako ng sarili kong Komiks nung nasa Hayskul pa ako sa Pangasinan National Highschool. 3rd year ako nun nung ako'y nagsimulang gumawa ng komiks. Anime Style ang gamit ko, tulad ng kara mihan sa mga nagsisimulang gumawa ng indie komiks ngayon, pano naman kasi, yun ang uso at mas dun ako expose, kahit yung mga binabasa kong komiks sa Funny Komiks ay Anime inspired din. Nagsimula ito nung may nakita akong parang pocket book na blangko ang mga pahina, nagkaroon ako ng idea na gumawa ng komiks! :D May pagka-elemental warriors ang istorya ng komiks kong ito. Mayroong apoy, tubig, earth, swordsman, magic, drunken master, black energy, technology at iba pa, bale kung anong maisipan kong isaksak sa story isasaksak ko talaga. Naka-3 compilation ako siguro mga 150 pages lahat at tapos ang story nito saka colored pa! Natapos ang komiks ko...

100 ARAW NG KOMIKS (Day 22) Ruta at Boy Padala

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 22) Ruta at Boy Padala - LBC Domain ang official Newsletter ng LBC. Empleyado ang tatay ko sa kompanya, bukas ang newsletter sa mga submission kasama na dito ang komiks. Nung nasabihan ako ng tatay ko gumawa ako ng dalawang strips ang Ruta at Boy Padala. Tungkol ito sa buhay ng isang delivery man ng LBC at sa front desk ng opisina. Nakapag-submit siguro ako ng  sampung strips, hinde kasi ako nakatira na sa Pangasinan.

100 ARAW NG KOMIKS (Day 21) Love Sorrow

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 21) Love Sorrow - mula 1998 - 2002 masugid akong tagasubaybay ng Funny Komiks, tuwing biyernes ay komiks ang inaabangan kong pasalubong mula sa nanay ko galing palengke. Dahil sa pagbabasa ko ng FK(Funny Komiks) ay nagsubmit ako ng mga fan arts para sa "this is your page" section. Tinitingnan ko rin ang mga nagsubmit na iba-pa. Hnd pa uso ang Facebook nun, kahit yung friendster ay nagsisimula pa palang din sumikat. May mga readers rin na nag-lalagay ng kanilang address at mobile no. sa sinasama nila sa drawing nila. dahil dun ay nagkaroon ako ng mga "pen-pals" ahahaha seryoso ako, penpals talaga. Siyempre ang mga penpals ko ay mga FK readers rin at marunong magdrawing. Ako rin minsan ay naglalagay ng address namin sa drawings ko kaya nakakatanggap rin ako ng mga sulat galing sa iba pang readers. Kakaibang kasiyahan ang dulot sa aking sa tuwing makakatanggap ako ng mga sulat, isipin mo yun susulat ka nga ngayon, next week pa matatanggap ng pa...

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 20) KAGUBATAN (2004)

Image
‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 20) KAGUBATAN (2004) Ito ang pangalawa kong entry para sa CCCom (Culture Crash Comic) 8 page comics feature. Nauna ang "Payt 4 Lab"(2003). Sayang at hinde napili ang comics ko pero oks lang, achievement pa rin sa 'kin dahil nakatapos ako ng isa ang 8 page short comics. Mabigat ang impluwensya sakin ng anime da ti, hnd ako masyadong exposed sa western comics kaya siguro. Nito na lang ako nakakapag-basa madalas ng mga western comics. Kaya ito ang naging kinalabasan ng artwork. 17 yrs old pa lang ako nung panahong ginawa kong Kagubatan, tungkol ito sa istorya ng isang prinsepeng inatasang magpunta sa kagubatan para sa isang misyon, Kung gusto nyong mabasa ang kabuuan ng komiks, abangan nyo na lamang sa susunod na komikon sa Nobiyembre, kung saan balak kong ilabas ang aking mga short komiks. Sa panahong ito ay ginagawa ko ang book 3 ng mukat komiks ko, kaya mas maayos ang art kumpara sa Payt 4 lab. Nakakatuwang balikan ang mga dati kong ginawang komik...

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 19) PAYT4LAB (Fight for Love)

Image
‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 19) PAYT4LAB (Fight for Love) I love Culture Crash Comics (CCCom) ever since I first heard of it I was very eager to have a copy. I always envy my highschool Classmates you are able to but copies of the the comics in Manila. It was CCCom Issue 10 when the distribution of the comics hits our place at Pangasinan . Then after I never missed an issue of CCCom. No, this post is not about CCCom It's about my early comics Payt 4 Lab (fight for love in jejemons term) After I read a copy of Culture Crash Issue 10 immediately notice the part where fans can be featured and published in the Comics with pay! and Fame! Maximum of 8 pages colored/b&w is Ok so I grabbed my chance. I immediately created a short story about fighting and loving hence the title hehe. The story is not so deep, I just did it for fun, my resources are very limited so I just submitted my comics in B&w. I did my best at the time and applied all I know about comics creation. I'm pretty h...

100 araw ng Komiks(day 18) FB3C Baguio Comic Con

Image
Baguio City. Last July 16, 2011 the 1st Baguio City Comics Comics Convention was held at the City Of Pines and the Summer Capital of the Philippines at the Baguio City National High School. Organized by the Winner of the Hero TV's Comics Creation Contest Gerald Asbucan and his team, even with so little time to prepare they were able to make the event happen, which is very admirable. The event started from 9am - 8pm at the High School Audiorium. The event was very successful with special guest from the Indie Comics people from Manila and the Northern Provinces like myself in Pangasinan, Comics Veterans Sir Danny Acuna, Jun Lofamia, etc.. , Sketchpad Studios headed by Sir Ernest Hernandez, Komikon people and artists with Jon Zamar and Ser Manix Abrera.  A number of cosplayers attended the event, most of them went in the afternoon that I think draw some crowd. The Comics vetarans at the skethpad studios did some "free" sketches of the attendees also made th...

100 ARAW NG KOMIKS (Day 14) Binatang Makabayan (Boy Astig)

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 14) Binatang Makabayan (Boy Astig) Siya ang aking Pinoy super hero na naging bida sa aking painting entry para sa FRAMED: Comics and Beyond Art Exhibit sa Art Asia sa Megamall, kamakailan lamang. Siya ang pangunahing tauhan sa aking 24 hr Comics and Beyond Indie Comics. Hnd ko pa masyadong nadedevelop ang background ng karakter ko, pero maaayos ko din to, balak ko kasing gumawa ng komiks na siya ulit ang bida. Siguro sa susunod na taon ko ito mailalabas. Si Lapu-lapu ang nasa isip ko sa pag-gawa ng karaker na ito, binase ko rin ang suot nya sa cotume ni lapu-lapu sa komiks ni Sir Francisco Coching na nireprint ng Atlas Publication noong nakaraang taon(2010). Ang nakikita nyo ay ang aking bolpen sketch ng karakter ko. :)

100 ARAW NG KOMIKS (Day 13) ECHOSEROS

Image
 100 ARAW NG KOMIKS (Day 13) ECHOSEROS - ang aking Komiks strip na balak ko sanang isubmit sa mga diyaryo dito sa Manila, mula sa isang "beking" sakita na ang root-word ay "echos" parang "joke" lang o "biro lang" ang ibig sabihin. Sinimulan ko itong gawin mula noong pagdating ko sa dito sa Manila ng magkatrabaho. May isang kaopisina ako ng sabi ng sabi ng salitang Echos, e nung panahong yun ay wala pa akong naisipang title ng strip ko, kaya naisipan kong "echoseros" na lang o grupo ng mga jokers :).   Nag-aaral pa lang ako sa Pangasinan ay pangarap ko ng mag-contribute ng comic-strip sa mga diyaryo dito sa Manila, nagsimula ako pagiging artist ng Cast Chronicle ang school paper ng Pangasinan State University bilang isang artist. Nung makapag-trabaho na ako sa manila nag-iipon na ako ng mga comics strip para isubmit, kaso hanggang ngayon konti pa lang ang naiipon ko. 

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 12) Mukat Comics sa Baguio!

Image
‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 12) Mukat Comics sa Baguio! :D Pupunta ang Mukat Comics sa Norte! Dadayo ang Mukat Comics sa Unang Baguio City Comics Convention sa Baguio City National HighSchool Auditorium mula 9am hanggang 8pm! :D Magdadala ako ng copya ng Comics Creation Compilation Comics! (Baboy, Dogstyle, MLU), EDSA, 24 hr Comics and Beyond!, at Mukat Issues 1,2, and 3! limited copies lang ang dadalhin ko kaya sana ay samantalahin nyo! :) Kita-kita mga taga norte! mga kababayan ko! isa rin akong Ilocano! Mula sa Lingayen Pangasinan!

100 ARAW NG KOMIKS (Day 11) Mukat Issue 3

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 11) Mukat Issue 3. Gawa na ang ikatlong isyu ng Mukat Komiks ko. Tinapos kong gawin para humabol sa Unang Baguio Comics Convention sa Hulyo 16, 2011. Ang nakikita nyo sa Cover ay si General Andila ang nagtuturo kay Eric ang Prinsipe ng kaharian ng Euclidia para lumaban at gumamit ng espada. Alam nyo ba na ang   mga tauhan sa Komiks kong ito ay hango sa mga pangalan ng tao sa palagid ko, tulad ni" Gen. Andila" na pangalan ng kaeskwela ko dati nung hayskul si Andy, at ang "Kaharian ng Euclidia" naman na kunuha ko pangalan ng section namin nung haykul 3rd yr section B Euclid na pangalan ng isang scientist. Marami pang pangalan sa Komiks kong ito ang kapangalan ng mga klasmeyt at kakilala ko, ang ilan ring mga salita sa komiks tulad ng "Mukat" ay salitang Pangasinan na ang ibig sabihan ay "Muta" oo yung makikita mo sa mata mo pag umaga, pagkagising, naisip ko kasi na iba ng tunog nito pag tagalog ang nagbasa, at may halong hum...

100 ARAW NG KOMIKS (Day 10) Baboy2

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 10) Baboy2 - Unang lumabas noong summer komikon 2010. Dahil sa daming feedback na natanggap ko sa Baboy ay naisipan kong gumawa ng 2. Napansin ko lang na sobrang layo ng pag-kakagawa ko sa Baboy2 kumpara sa Baboy(2008) mas malinis yung linya, pero mas type ko yung Baboy1 hnd ko alam kung bakit, parang mas puno ng emosyon ang yung una kasi siguro. Tulad ng Baboy1, traditional ang pagkakagawa ko sa komiks na ito at walang tulong ng computer o photoshop lahat ay sulat at guhit kamay. bukas ang ending ng Baboy2 na pwedeng pang magkaroon ng mga kasunod, hindi ko lang sigurado kung gagawan ko pa, ano sa tingin nyo?

100 ARAW NG KOMIKS (Day 9) Mukat

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 9) Mukat - Ito ay cover ng mukat Comics ko. Yung comics na simulan ko nung college(2002) Mahilig akong mag-experimento sa covers at pure traditional lahat ng ginagawa ko. Wala kasi akong computer at kung ano-ano pa kaya nag-tatyaga ako sa pentel pen, sign pen at papel. Alam nyo ba na ang cover na ito ay gawa   sa poster ng sigarilyo? Oo likod yan ng poster ng kung hnd ako nagkakamali ay Mighty cigarette. May sari-sari store kasi kami sa Pangasinan, nakikita ko na magandang gawing art board at book cover yung mga likod kasi makakapal na papel ang gamit nila hehe, saka wala pa akong pera nun. Ako na rin mismo ang nagba-bind ng komiks ko. Pinag-aralan kasi namin sa isang shop subject namin kung paano mag-bind. :D

100 ARAW NG KOMIKS (Day 8) Komiks Collection(2002 - 2006)

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 8) Komiks Collection(2002 - 2006) Nagsimula akong mag-komiks nung hayskul, na nagtuloy-tuloy hanggang college ako sa Pangasinan State University. Mula 1st yr hanggang pagka-graduate naging staff ako ng "Cast Chronicle" ang aming college school paper. Kung saan ako nagpapasa ng mga editorial cartoons, illustrations at comics. Nasubukan ko ring makapunta sa iba't-ibang lugar sa luzon dahil sa pagsali sa mga school paper press conference. Pinakamalayo ang sa Bicol. Nanalo naman kahit papano sa on-the-spot comic strip contest, challenging nga ang mga ganung contest dahil isang oras lang ang ibibigay na oras para matapos mo ang editorial cartoon o comics entry mo, pero enjoy pa rin.   Mabalik tayo sa Libro, nilipon ko lahat ng comics na nagawa ko sa isang libro kasama sa compilation yung ibang comics ng mga kilala kong artists. Mga gawa kong mula 2002 - 2006 ang lahat ng nakapaloob sa libro. Personal na kopya ko lang ang komiks compilation na ito, at ...

100 ARAW NG KOMIKS (Day 7) Komikon Comics Creation Comics Entries Compilation (2010)

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 7) Komikon Comics Creation Comics Entries Compilation (2010) Unang lumabas noong 2010 Komikon sa Starmall EDSA. Naisipan kong lipunin sa isang Indie Comics Compilation ang mga nagwagi kong Indie Comics sa Komikon. Una ay ang Baboy(2008), DogStyle(summer 2009) at ang MLU (Oct 2009). May paunang salita rito ang  editor ng Pinoy Komiks Rebyu na si Randy Valiente, at afterword naman mula kay Freely Abrigo (SKP). Dumadami na kasi ang mga nagawa kong indie kaya naisipan kong pag-isahin na lang. Ito ang pinakamabili kong Indie Komiks sa lahat ng nagawa ko na. Lagi ko itong sinasuggest na billhin nila pag tinatanong ako kung ano ang mairerekomenda ko. masaya ako sa komiks kong ito dahil dito ay nakilala ako sa mundo ng komiks. Lalo na sa mundo ng indie Komiks sa Pilipinas.

100 ARAW NG KOMIKS (Day 6) ASTIGIN: 24 HR Comics and Beyond!

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 6) ASTIGIN: 24 HR Comics and Beyond! - Story and Art by Mel Casipit "Bakit Astig ang Pinoy?" is the question that I tried to answer in my comics Behold Boy Astig(Binatang Makabayan) and Cowboy Kid battle it out and know the answer to the question. It is supposed to be a 24 HR comics entry but was not finished  so I decided to just finish it even after 24 hrs and release it as my newest Indie comics. Released at The 6th Annual Philippine Komiks Convention (KOMIKON) 2010 November 13, 2010, Saturday at the Starmall Trade Hall (corner EDSA and Shaw Blvd., Mandaluyong City) Sobrang challenging ang gumawa ng 24 hrs comics, grabe. Galing pa ako sa trabaho nito hnd kasi naaprove yung fi-nile kong leave kaya ayun, less 9 hrs ang sa 24 hrs. Isa rin siguro yung sa dahilang kung bakit hnd ko natapos. Maganda naman daw sabi nila Tepai, Maika(Meganon Comics), Raipo, at Chapel. Kelangan ko pa sigurong i-push sa pagbenta ang comics kong ito.Pero sa tingin ko nam...

100 ARAW NG KOMIKS (Day 5) EDSA (2009)

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 5) EDSA (2009) - Unang lumabas noong Metro Comic Con 2009. Ito ang aking unang Indie komiks collaboration kay Randy Valiente, isang malupit na manunulat at artist siya rin ang Edito ng Pinoy Komiks Rebyu, una ko syang nakilala sa tauanang Komikon, bumili sya ng Baboy at Dogstyle komiks ko at pagkatapos nun ay kinontak na nya ako para tanungin ako kung payag daw ba akong makipag-colab sa kanya, syempre pumayaga ako.  Tungkol ito sa EDSA sa hinaharap ang pangunahing tauhan ay si Piolo Locsin at EDSA Shrine. Sa mga komiks conventions madami-dami din ang bumibili nito. Sa mga nakabasa na ng Indie komiks namin ni Randy sana ay nag-enjoy kayo sa pagbabasa. 

100 ARAW NG KOMIKS (Day 4) MLU (Madramang Lambingan sa Umaga (2009

Image
‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 4) MLU (Madramang Lambingan sa Umaga (2009) - ang pangatlo kong Indie Comics na sinali sa Komikon noong October 18, 2009. Sumali muli ako sa Comics Creation Contest at nanalo bilang Best Entry. "Mula sa Kaiboturan ng Aking Puso" ang tema nung panahong iyon isang Love/Drama themed comics ang kailangang gawin. M y kasintahan ako nung panahong yun kaya naisipan kong gumawa ng komiks at isali ang tungkol sa amin, (hnd true-to-life ang story ha) kami ang ginawa kong bida hehe. Bago ko pa man ginawa ang komiks kong MLU ay nagdodrawing na ako ng mga cute na doodle naming dalawa. Andami ko ngang naipong ganung drawing na ang karamihan ay nasa kanya. Hanggang ngayon, paminsa-minsan ay gumagawa pa rin ako ng mga doodle pero hnd iba na ang dinodrawing kong babae, kasi ex ko na siya ngayon. Malapit rin sa puso ko ang MLU komiks, andami rin kasing nagka-gusto sa mga nakapagbasa na. Binabalak ko ngang gawan ng sequel ang MLU comics ko, hindi ko pa ala kung kelan...

100 ARAW NG KOMIKS (Day 3) DOG STYLE(2009)

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 3) DOG STYLE(2009) - Ang pangalawa kong short Indie comics pagkatapos ng Baboy, Matapos ang Komikon ng taong 2008, ilang buwan ang lumipas at ginanap naman ang unang Summer Komikon 2009, Muli akong sumali sa Comics Creation Contest at nanalo ng Unang Gantimpala. Summer themed ang comics nun dapat, "Nag-iinit s a Tag-init". Medyo may pagka-dobol meaning ang tema nun kaya nag-isip din ako ng titulo ng komiks na parang ganun din. Traditional at manual ang pagkakagawa ko sa comics kong ito, wala pa akong 'scanner' nun, kaya nagbabayad pa ako para maipost sa internet ang mga drawings ko. Walang tulong ng photoshop ang komiks kong ito tulad ng Baboy, "as is" na ang sukat para ready to photocopy na. Mas simple ang style na ginamit ko sa Komiks kong ito, madaming nakapansin nito kumpara sa nauna kong ginawa sa Baboy, ito'y dahil sa mas magaan ang tema ng komiks, saan ka ba nakakita ng Summer na madilim? hehe. Tungkol ang komiks kong...
Image
‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 2) BABOY (2008) Ang una kong Independent komiks na gawa ko dito sa Manila. Pagkatapos ng Mukat na gawa ko nung college at ako'y nakapag-trabaho na, medyo hnd na ako nakagawa ng komiks. Hanggang sa maisipan kong sumali sa taonang Komikon. Sumali ako sa Comics Creation Contest nung tayon iyun at ang tema ay "Mga  Kahindik-hindik na Tagpo" (Horror themed comics). Pinalad akong manalo bilang "Best Entry" natuwa ako kaya nag-tuloy tuloy akong mag-comics. Tungkol ang komiks na ito sa isang bata at may kinalaman din sa baboy. Nung ginagawa ko ang komiks na ito ay pinapanood ko yung anime na Death note, kaya nga ang bida ay "L" influnced. marami ding nakapansin nito. At naisipan ko din na maging itim ang komiks ko at puno ng linya kasi gusto kong mapansin na kakaiba ang gawa ko. Sa komiks na ito ako unang nakilala, kaya nga espesyal sa puso ko ang Baboy komiks ko, hanggang ngayon nakakatanggap pa rin ako ng mga positibung komento sa...