100 ARAW NG KOMIKS: Tepa Pascual'si Maktan 1521 LAPU-LAPU Fan Art. Isang astig na Komikera si Mareng Tepai at madalas kong makausap gamit ang beki language ahaha. Magaling siyang gumamit ng itim sa komiks nya, parang Frank Miller! ambilis din mag-sketch. :D astig di ba?
100 ARAW NG KOMIKS: Mars Ravelo's Captain Barbel Fan art. Isang sikat na pinoy komiks karakter sa Pilipinas. Andaming pelikula, komiks at tv shows na ang ginawa na pinagbibidahan niya.
100 ARAW NG KOMIKS: Manila Man Fanart (bolpen sketch) Bayan Knights member and original Character by Rh Quilantang . Matagal ko ng gustong gumawa ng Manila Man Fan art Buti na na lang ay 100 araw ng komiks! :D
100 ARAW NG KOMIKS: Darna Fanart. Isang Classic pinoy Komiks/tv/movie super hero. Sino bang Pinoy ang hinde nakakakilala sa kanya. Karaketer ni Mars Ravelo at dibuho ni Nestor Redondo.
100 ARAW NG KOMIKS: Ang Panday Fanart(bolpen sketch) Sikat na Pinoy Komiks karakater na ginawan ng madaming pelikula mula sa panulat ni Carlo J Caparas at guhit ni Steve Gan.
100 ARAW NG KOMIKS: Angry Man Fan art, original character by Victor Gagni ng Silent Sanctum manga. Isang Call center agent ang bida sa comics na to kaya gumawa ako ng fanart. :D
100 ARAW NG KOMIKS: Heronimo alyas HERO fan art. Original character by Rommel "Omeng" Estanislao. Ang bagong hero ng Marikina. :D Astig na komiks! Brush ang gamit ko sa drawing na to, oks lang ba? :D
100 ARAW NG KOMIKS: Taal Monster (fan art) Isang nakakatuwang komiks mula kay Macoy Kulit . Saan kayo nakakita ng giant montster na naka-pajama at nag-eelevator? :) Kasama ang Taal Monster VS. Evil Space Paro-paro sa Sulyap Komiks Anthology mula sa Komikon Inc.
100 ARAW NG KOMIKS: BOY BAKAL - Likha ni Carlo V.Olrac Jebs Tae sa Facebook. Tawa ako ng tawa sa pagbabasa ng komiks na to. Isa sa mga mairerekomenda kong Indie Komiks ngayon. :) Ang fan art na ito ay ginawa ko noong Baguio Comic Con. Bakalan na!!!
100 ARAW NG KOMIKS: KAPITAN TOG! Fan art. karakter na likha ni Freely Abrigo ng SKP, AKDA Komiks Group. si Kapitan Tog ay ang superhero na laging nauuntog! :D pramis! Nakakatuwa ang komiks na to. Ang aking fan art ay bersyon ko lamang na medyo realistic ang komiks ni Freely ay cartoons, napagaling nya sa cartoons. :)