Saturday, October 17, 2009

KOMIKON 2009 PREparation



Bukas na ang Komikon 2009(http://komikon.deviantart.com). Sa Megamall megatrade Hall1, Mandaluyong city. Ready na rin ang mga ibebenta naming copya ng mga komiks namin, kasama ko bukas si Roel, schoolmate ko dati sa PSU(Pangasinan State University).

sa UP kami nagpa-xerox ng kopya, kala nga namin hinde kami aabot, gabi na kasi kami dumating dun pagkatpos ng trabaho ni Roel(Programmer siya) buti na lang 8pm pa daw sila magsasara. Additional copies ang mga pinagawa namin, nakapagpacopya na kasi kami dati, bale 40 copies ang dala namin. Available ang Baboy, Dogstyle, EDSA at MLU ko, si Roel naman ay magdadala ng Copya ng una nyang Indie Komiks na 8 ORas (walong Oras)bakit Walong Oras? Bili na lang kayo ng copy, mura lang :).

Baboy ang Official Entry ko sa Komikon 2008, Dogstyle naman ang Official Entry ko sa Komikon Summer Fiesta 2009, nanalo yung dalawang yun ng Unang Gantimpala sa Comics Creation Contest.:) EDSA naman ang Una kong colaboration sa Isang bantog na writer at artist sa Pilipinas at sa Ibang Bansa si Boss Randy Valiente . at siyempre MLU ang Official Entry ko sa Komikon 2009 Comics-creation Contest(sana manalo hehe :)

Mauuna na si Roel sa Venue, may pasok pa kasi ako, nakaka-inis may pasok ako sa sa sabado ng gabi, e Linggo yun, gusto ko sana e, pagpunta ko sa mega fresh na fresh ako grrr buset talaga! Pero ok lang ganyan ang buhay shit happens 'ika nga. s
Nga pala 'pag bibili kayo ng at least 2 copies may free sketch kayo sa'min. Itago nyo, ibaon nyo sa lupa, kasi pag-sikat na kami magiging Collectors item yun hehe.


No comments:

Post a Comment

Web Site Counter
typewriters