Komikon Indieket Blog ni Mel Casipit
Komikon Indieket. The First Komikon Grand Independent Komiks Market 2012. Held at Bayanihan Center, Pasig city last July 14, 2012.
Habang fresh pa ang alala, nais kong magblog sa event na ito. Noong malaman ko na may Indieket agad akong gumawa ng bagong issue ng Mukat yun yung issue no. 6. Balak ko kasi talagang maglabas ng bagong Issue ng Mukat sa bawat convention na pupuntahan ko. Ayun na nga, gumising ako ng maaga para event na Indie sa araw ng Hulyo 14, mga 8:00 kahit medyo late na akong natulog maaga pa rin akong nagising siguro dahil sa excitement. Dumating ako sa Bayanihan center ng mga 9:15am, dahil wala pa sila Aaron at Wan kape-kape muna ako sa Jollibee, sorry di ako mahilig sa starbucks hehe. Pagbukas ng event ng 10am kasama kong pumasok sa loob ng Bayanihan center si Kai at dumiretso kami sa table ng Neverheard Webcomics. Hindi na kami nahirapan sa paghanap ng table dahil nasa bungad lang kami kita namin ang mga pumapasok. Pagkatapos ng hi, hello kila Maika at Tepai nagset-up agad kami. Swerte paglapag ko ng Komiks may bumili agad ng isang set ng komiks ko! astig! kaya ayun pinaypay ko agad sa paninda kong komiks yung bayad nya hehe, you know? Pinakita-rin sa akin ni Tepai yung Studio Ghibli books nya galing amazon! Sobrang fan ako ng mga movie ni Hayao Miyazaki kaya sobrang tuwa ko ng masulyapan ko lang ang book na yun, puno kasi ng artwork ng movie! Spirited Away at Howl's Castle.
Napansin ko agad na kalahati lang ng Hall ang ginamit sa indieket pero oks lang yun. Puno naman ng Komiks ang event at lahat ng dumadaan ay potential buyers. Ang dami kong nabenta! sa katunayan mas madami akong nabenta sa indieket kaysa last summer komikon. Hindo ko masyado inexpect na ganun kadami ang buyers sa indieket kaya sobrang natuwa ako.
Buong araw kaming nagkulitan sa table namin kasama sila Wan at Aaron at Kai, ewan ko ba, siguro dahil hindi na ako masyado napupuyat dahil pangumaga na ako kaya ang sigla ko nung araw na yun.
Binigyan ko si Patrick Rawr ng Baboy 2 at binigyan din naman nya ako ng original art, astig diba? Binigyan din ako ni Carlo Valenzuela ng free Pi-totoy Komiks nya at ako pa ang gagawa ng next cover ng Pi-totoy! Nabasa ko na rin yung komiks na yun pag-uwi at natuwa ako sa story ang kulet e.
Pagkatapos ng event dumiretso ang Neverheard team kasama si Rhiver at asawa este GF nya sa Chowking, bangag na si Aaron halos makatulog na sya sa upuan sa sobrang puyat. Pagkatapos naming kumain, ayun kuwentuhan ulit kami tungkol sa indieket at komiks ayuns chismisan to da max pwera kay aaron hehe. Napagkuwentuhan din namin ang balak namin na gawing compiled book na ang mga gawa namin nainspire kami ni Tepai eh.
Maraming-maraming salamat sa lahat ng duaman at bumili ng mga komiks namin. Sobrang saya ng feeling pag may bumili ulit ng komiks mo kahit nakabili na sya dahil ibibigay daw sa kapatid, o kahit na sino pa, rakenrol yun!
Comments
Post a Comment