100 ARAW NG KOMIKS (Day 4) MLU (Madramang Lambingan sa Umaga (2009
100 ARAW NG KOMIKS (Day 4) MLU (Madramang Lambingan sa Umaga (2009) - ang pangatlo kong Indie Comics na sinali sa Komikon noong October 18, 2009. Sumali muli ako sa Comics Creation Contest at nanalo bilang Best Entry. "Mula sa Kaiboturan ng Aking Puso" ang tema nung panahong iyon isang Love/Drama themed comics ang kailangang gawin. My kasintahan ako nung panahong yun kaya naisipan kong gumawa ng komiks at isali ang tungkol sa amin, (hnd true-to-life ang story ha) kami ang ginawa kong bida hehe.
Bago ko pa man ginawa ang komiks kong MLU ay nagdodrawing na ako ng mga cute na doodle naming dalawa. Andami ko ngang naipong ganung drawing na ang karamihan ay nasa kanya. Hanggang ngayon, paminsa-minsan ay gumagawa pa rin ako ng mga doodle pero hnd iba na ang dinodrawing kong babae, kasi ex ko na siya ngayon. Malapit rin sa puso ko ang MLU komiks, andami rin kasing nagka-gusto sa mga nakapagbasa na. Binabalak ko ngang gawan ng sequel ang MLU comics ko, hindi ko pa ala kung kelan.

ito ang link para sa MLU Comics! :D enjoy!
Comments
Post a Comment