Posts

Showing posts with the label mukat

Mukat #6 Cover

Image
This will be the cover of the latest Mukat installment! I'm very excited to release this issue! the Cover will introduce 2 new characters hence the cover. This July 14, 2012 catch me together with my fellow comics artist's/creators to showcase the Pinoy Komiks very much alive!

100 ARAW NG KOMIKS (Day 31) Jani Torac

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 31) Jani Torac. ay isa sa mga pangunahing tauhan sa aking Mukat Comics siya ay ang nangungunang estudyante sa Euclidia'n School of Art's and Magic. Kaya siya ay tulad ni Sapok ang napiling gumabay kay Eric para sa kanyang paglalakabay at paikikipagsapalaran. Esesiyalista sa mga halimaw si Jani, layon nyang talunin ang kampiyon sa pakikipaglaban gamit ang mga halimaw. Ang nakaraan ni Jani ay bibida sa mga susunod na pahina ng Mukat Komiks ko. Fun fact about about the character: Ipinangalan ko siya sa isa kong kaklase nung hayskul.

100 ARAW NG KOMIKS (Day 29) Sapokito Makalakal

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 29) Sapokito Makalakal - ay isa sa mga pangunahing tauhan sa aking Mukat Comics siya ay ang nangungunang estudyante sa Euclidia'n School of Art's and Magic. Kasama si Jani. Unang nagpakita sa isyu 2 ng Mukat. Magic ang specialty ni Sapok, na siyang naging gabay ni Prinsipe Eric sa kanyang pakikipagsapalaran. Fun fact about sa character, pinangalan ko si Sapok sa aking Pinsan at kapitbahay na may parehong palayaw. 

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 27) Eric Euclidia

Image
‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 27) Eric Euclidia - Siya ang pangunahing tauhan sa aking  Mukat Comics . Siya ay 17-taong gulang at prinsipe ng Kaharian ng Euclidia. Anak nila Haring Roly at Reyna Cecilya. Ang hangad nya ay mahanap si Dayan ang kanyang bespren, may kasunduan kasi sila nung sila ay bata pa na magiging sila ang magkakatuluyan. Fun fact about sa character, Si Eric ay pinangalan ko sa aking klasmeyt nung highschool sa Pangasinan National Highschool. Si Haring Roly ay adviser namin nung 4th yr HS at si Reyna Cecilya ay class adviser namin nung 3rd yr HS.

100 ARAW NG KOMIKS (Day 25) Agnes

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 25) Agnes tauhan mula sa Mukat issue 1. Isa syang hunter at naghahanap siya ng mga malalakas na halimaw para gamitin sa pakikipaglaban. Kung bakit? alamin sa Mukat issue 1. Gamit ni Agnes sina Crisante at Manny. Fun fact about the characters, si Agnes ay pinangalan ko sa kaklase kong babae nung highschool, sila Crisante at Manny naman ay mga kaklase ko nung 1st yr college.

‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 24) KULAYOT

Image
‎100 ARAW NG KOMIKS (Day 24) KULAYOT  - Si Kulayot ay isa sa mga tauhan sa Komiks kong Mukat. Unang Lumabas sa unang isyu. Isa syang mahiwagang nilalang at makapangyarihan. Para mas makilala nyo si Kulayot maaari lamang na basahin nyo ang Mukat Comics ko. :D Mukat comics ay sinimulan ko nung college(2002) sa Pangasinan State University. Mahilig akong mag-experimento sa covers at pure traditional lahat ng ginagawa ko. Wala kasi akong computer at kung ano-ano pa kaya nag-tatyaga ako sa pentel pen, sign pen at papel.

100 ARAW NG KOMIKS (Day 9) Mukat

Image
100 ARAW NG KOMIKS (Day 9) Mukat - Ito ay cover ng mukat Comics ko. Yung comics na simulan ko nung college(2002) Mahilig akong mag-experimento sa covers at pure traditional lahat ng ginagawa ko. Wala kasi akong computer at kung ano-ano pa kaya nag-tatyaga ako sa pentel pen, sign pen at papel. Alam nyo ba na ang cover na ito ay gawa   sa poster ng sigarilyo? Oo likod yan ng poster ng kung hnd ako nagkakamali ay Mighty cigarette. May sari-sari store kasi kami sa Pangasinan, nakikita ko na magandang gawing art board at book cover yung mga likod kasi makakapal na papel ang gamit nila hehe, saka wala pa akong pera nun. Ako na rin mismo ang nagba-bind ng komiks ko. Pinag-aralan kasi namin sa isang shop subject namin kung paano mag-bind. :D

Mukat Comics at the 3rd Summer Komikon

Image
3rd Summer Komikon 2011 Bayanihan Center 8008 Pioneer St., Kapitolyo Sabado, Abril 16 · 10:00 AM - 7:00 PM Abangan ang AKDA booth kasama ang Mukat Comics! :D It's been a while since I last updated this blog. I apologize to the followers. I've just been too busy the past few months ahehe. I always update my FB page though you can also check me out   here . Thanks for all the support and I'll see you all the 3rs Summer Komikon! :)

Mukat: one of my first Comics

Image
This is my personal treasure, one of the my early works as a comic artist. Photocopied comics that I did when I was in college way back 2002. Hnd pa back to back kasi mahirap kausap yung mga nagseserox samin. Grabe talaga ang inpluwensya ng Jap anime sa akin kaya ito yung ngawa ko. Sarili ko lang din yung cover design, mahilig akong maglaro sa design hnd ko pa kasi alam yung Photoshop so gupit gupit sa magazine at color pencil ang gamit ko. Iniisip kong ilabas next komikon na indie, tingin nyo may bibili? hehe tingnan natin! :)