100 ARAW NG KOMIKS (Day 21) Love Sorrow
100 ARAW NG KOMIKS (Day 21) Love Sorrow - mula 1998 - 2002 masugid akong tagasubaybay ng Funny Komiks, tuwing biyernes ay komiks ang inaabangan kong pasalubong mula sa nanay ko galing palengke. Dahil sa pagbabasa ko ng FK(Funny Komiks) ay nagsubmit ako ng mga fan arts para sa "this is your page" section. Tinitingnan ko rin ang mga nagsubmit na iba-pa. Hnd pa uso ang Facebook nun, kahit yung friendster ay nagsisimula pa palang din sumikat. May mga readers rin na nag-lalagay ng kanilang address at mobile no. sa sinasama nila sa drawing nila. dahil dun ay nagkaroon ako ng mga "pen-pals" ahahaha seryoso ako, penpals talaga. Siyempre ang mga penpals ko ay mga FK readers rin at marunong magdrawing. Ako rin minsan ay naglalagay ng address namin sa drawings ko kaya nakakatanggap rin ako ng mga sulat galing sa iba pang readers. Kakaibang kasiyahan ang dulot sa aking sa tuwing makakatanggap ako ng mga sulat, isipin mo yun susulat ka nga ngayon, next week pa matatanggap ng padadalhan mo at pag-sagot nya ay isang linggo din ang aantayin mo para makatanggap ka nga reply. Yun ay kung sasagot ang pen-pal mo ahahaha. Nag-pen pal ako nun dahil may isa rin akong motibo, yun ay ang makipag-swap ng mga artworks sa iba pang FK readers. Madami-dami din ang mga naipon kung drawings galing sa mga kaibigan kong readers, ang mga yun ay nakatago sa bahay namin sa Pangasinan. Ang mga pen-pals ko ay taga Cavite, Baguio, Toguegarao, La Union, Batangas, Pampanga, Bataan at kung saan saan pa.
Mabalik tayo sa Love Sorrow, may isa akong pen-pal na babae ang humiling na makipag-colaborate sa isang sulat nyang kwento. Ito na nga ang Love Sorrow, nag-palitan kami ng sulat hanggang sa matapos ko ang Komiks. Taga-cavite ang may Akda ng Love Sorrow ang pangalan nya ay Katherine Joy Pamintuan. Kung sino man ang nakakalila sa kanya ay pakisabing balak kung ilabas sa susunod na Komikon ang Komiks namin. 17 pages ang komiks na ito tungkol sa dalawang kabataan, medyo malungkot ang kwento nito, (hellow! kaya nga Love sorrow eh). Madami rin ang nakabasa nito sa amin sa Pangasinan at ngayon ay balak kong i-share sa mga kaibigan ko dito sa Metro Manila.
Comments
Post a Comment