100 ARAW NG KOMIKS (Day 20) KAGUBATAN (2004) Ito ang pangalawa kong entry para sa CCCom (Culture Crash Comic) 8 page comics feature. Nauna ang "Payt 4 Lab"(2003). Sayang at hinde napili ang comics ko pero oks lang, achievement pa rin sa 'kin dahil nakatapos ako ng isa ang 8 page short comics. Mabigat ang impluwensya sakin ng anime da ti, hnd ako masyadong exposed sa western comics kaya siguro. Nito na lang ako nakakapag-basa madalas ng mga western comics. Kaya ito ang naging kinalabasan ng artwork. 17 yrs old pa lang ako nung panahong ginawa kong Kagubatan, tungkol ito sa istorya ng isang prinsepeng inatasang magpunta sa kagubatan para sa isang misyon, Kung gusto nyong mabasa ang kabuuan ng komiks, abangan nyo na lamang sa susunod na komikon sa Nobiyembre, kung saan balak kong ilabas ang aking mga short komiks. Sa panahong ito ay ginagawa ko ang book 3 ng mukat komiks ko, kaya mas maayos ang art kumpara sa Payt 4 lab. Nakakatuwang balikan ang mga dati kong ginawang komik...
100 ARAW NG KOMIKS (Day 21) Love Sorrow - mula 1998 - 2002 masugid akong tagasubaybay ng Funny Komiks, tuwing biyernes ay komiks ang inaabangan kong pasalubong mula sa nanay ko galing palengke. Dahil sa pagbabasa ko ng FK(Funny Komiks) ay nagsubmit ako ng mga fan arts para sa "this is your page" section. Tinitingnan ko rin ang mga nagsubmit na iba-pa. Hnd pa uso ang Facebook nun, kahit yung friendster ay nagsisimula pa palang din sumikat. May mga readers rin na nag-lalagay ng kanilang address at mobile no. sa sinasama nila sa drawing nila. dahil dun ay nagkaroon ako ng mga "pen-pals" ahahaha seryoso ako, penpals talaga. Siyempre ang mga penpals ko ay mga FK readers rin at marunong magdrawing. Ako rin minsan ay naglalagay ng address namin sa drawings ko kaya nakakatanggap rin ako ng mga sulat galing sa iba pang readers. Kakaibang kasiyahan ang dulot sa aking sa tuwing makakatanggap ako ng mga sulat, isipin mo yun susulat ka nga ngayon, next week pa matatanggap ng pa...
Comments
Post a Comment