Komikon Indieket. The First Komikon Grand Independent Komiks Market 2012. Held at Bayanihan Center, Pasig city last July 14, 2012. Habang fresh pa ang alala, nais kong magblog sa event na ito. Noong malaman ko na may Indieket agad akong gumawa ng bagong issue ng Mukat yun yung issue no. 6. Balak ko kasi talagang maglabas ng bagong Issue ng Mukat sa bawat convention na pupuntahan ko. Ayun na nga, gumising ako ng maaga para event na Indie sa araw ng Hulyo 14, mga 8:00 kahit medyo late na akong natulog maaga pa rin akong nagising siguro dahil sa excitement. Dumating ako sa Bayanihan center ng mga 9:15am, dahil wala pa sila Aaron at Wan kape-kape muna ako sa Jollibee, sorry di ako mahilig sa starbucks hehe. Pagbukas ng event ng 10am kasama kong pumasok sa loob ng Bayanihan center si Kai at dumiretso kami sa table ng Neverheard Webcomics. Hindi na kami nahirapan sa paghanap ng t...