Posts

Showing posts from July, 2013

Meeting Mr. Wincat Alcala

Image
Nagpunta sa Pilipinas si Mr. Edwin "Wincat" Alcala Assistant Director ng Family Guy upang magbahagi ng kaalaman sa animation. Ang talk ay naganap sa Informatics College, Rm 2G sa Eastwood campus, Hulyo 6, 2013, hatid ng ACPI o Animation Council of the Philippines.  Simula nung bata pa lang ako pangarap ko ng maging animator. Simula noong makapanood ako ng mga cartoons sa TV ay nahumaling na ako agad. Nahilig ako sa panonood ng cartoons at magbasa ng komiks. Kahit nung ako'y naging teenager at ngayon na professional na di pa rin natanggal ang pagkagusto ko sa animation, dream job ko talaga yun. Nabalitaan ko kay Kai Castillo noong nilink nya sakin ang tungkol sa talk ni Mr. Wincat Alcala sa Eastwood, na sinundan ng paglink sakin ulit nila Randy Valiente at Tepai Pascual, kapwa mga kakomiks ko. Si G. Alcala ay Assistant Director ng Family Guy. Isang palabas na cartoons mula sa Fox Broadcasting Company na nilikha ni Seth Mcfarlane. Sobrang sikat ang pa